Miyerkules, Marso 5, 2008

Mga huling araw ng buhay high school

Grabeng bilis talaga ng mga pangyayari. Parang nung isang linggo (at nakaraang linggo) lang eh nagmamadali na akong matapos ang exams. Tapos, ngayong tapos na ang exams eh parang hindi ko gaano napansin. "Fast forwarded" ang lahat. Ang bilis natapos ng exams at ang sigawan ng mga seniors dahil tumunog na ang bell (na ibig sabihin ay: TAPOS NA ANG PAGHIHIRAP NIYO MGA IHA! :P) Nakakagulat na ngayon ay hindi na kami nag-aaral para sa mga quiz at 'di na rin gumagawa ng mga homework at projects. Ang inaatupag na lang namin ay clearance, at (aatupagin pa lang) graduation practices.

Noong mass, sobrang iyakan sa Lit Choir. ('Yon na kasi ang last First Friday Mass para sa mga seniors.) Tinanong pa nga ako ni Sir Castro: "Umiiyak ka na lola?" Sinabi ko pa naman sa sarili ko na hindi talaga ako iiyak. (Eh mukhang "foreshadowing" eh. Napaluha rin ako noong recessional song.) Hindi ko kinaya na lahat ng nasa paligid ko eh nag-iiyakan. Mas lalong hindi ko kinaya: yung lyrics ng kanta. "Hanggang sa muli" yung huling linya. Yun din ang nakapagpaisip sa akin na "Kailan kaya yung 'hanggang sa muli' na 'yon?" (oo ma-drama pero totoo..hiwahiwalay na nga talaga pagdating ng kolehiyo. Naisip kong itong mg taong 'to eh hindi ko na makikita at makakasama ng madalas. Kailan uli yung pagkakataon na 'yon?)

Hay, siguro 'di ko na rin mamamalayan...graduation na...Kaya dapat lang na lubos-lubusin na yung mga natitirang araw...