Huwebes, Marso 26, 2009

Kalayaan..'di pa ganap

Ilang linggo na nga ba akong puyat? Ilang araw na nga ba akong natutulog ng madaling araw (o nakakaidlip man lang)? Ilang lessons na ba ang inaral at minemorya ko? Ilang pahina ng papel na ba ang naisulat at naipasa ko?

Ang dami kong tanong, pero iisa lang ang sagot diyan: MARAMI...nakakalokang dami!

Pero ang akala ko hindi ko magagawa nang maayos ang mga kailangan gawin para sa school. Hindi ko akalaing matatapos ko ang patung-patong na mga requirements at magkakaroon pa ako ng pagkakataong pumasa o higitan ang pasang-awang grado sa mga exams o quiz.

"Fulfilling", yan pala ang pakiramdam kapag nalagpasan mo na lahat ng mga nagpapagulo sa buhay mo. Parang maipagmamalaki mo nang husto ang sarili mo dahil "kinaya ko, at nagawa ko yan lahat!" Ang saya lang na tapos na...yun nga lang...

panandalian lang.

Sa ngayon, parang napakawalan ako sa isang imbakan ng dangkal dangkal na inaamag na papel. (Syempre papel, dahil papel din ang dahilan ng pagkapuyat at halos pagkasira ko ng bait haha!) Pero kahit ganoon, 'di ko maalis sa isip ko na unang taon ko palang at may ilang taon pa akong bubunuin. Marami pa akong pagdaraanan, mas marami pa akong gagawin, at mas dadami pa ang mga pagkakataong wala akong tulog o hindi na magkandaugaga sa pag-aaral.

Kalayaan, nararansan ko na ngayon.

Sa sunod? Mukhang bihira na siyang magpaparamdam.


*Hay ang tagal ko ng hindi nagsusulat sa blog. Na-miss ko bigla haha! :P