Minsan kapag naghalo ang kaburyungan at ka-randoman, may maganda rin naman palang kinalalabasan.
Linggo, Pebrero 10, 2013
Miyerkules, Pebrero 6, 2013
Sa Pagsasalita
Minsan ayoko na lang magsalita....
dahil bawat lumalabas na salita ay hindi rin naman napakikinggan. Magsisimula pa lang ay tatapusin na, daig pa ang pag-fastforward sa mga bahagi ng isang pelikula. Hindi pa man din nasasabi ang mga linyang dapat sabihin, natatapos na ang usapan. Diretso sa ending kung saan may kanya-kanya ng opinyon ang mga tao tungkol dito. Habang ako naman ay wala ng habol sa kung ano man ang palagay nila.
Kung hindi naman ako napakikinggan, hindi naman ako maunawaan. Nagtataka ako madalas kung anong meron sa akin kapag gusto kong magpaliwanag. Bakit ba hindi ako maintindihan? Sa pagkakaalam ko hindi naman ako slang kung magsalita. Hindi naman baluktot ang balarila. Lalong hindi ko sila kinakausap sa wikang banyaga. Gusto ko lang namang linawin ang mga bagay sa aking mga kausap -ang aking saloobin at damdamin. Pero sa tuwing ginagawa ko ito, lagi na lang iba ang naiisip ng mga tao tungkol sa akin.
May pagkakataon namang may mga sinasabi akong hindi ko akalaing maglalagay sa akin sa alanganin. Para lang akong nagbato ng bola ngunit sasadyain ng aking kalaro na hindi saluhin. Mamamalayan ko na lamang na tumalbog na pala ito at tatama na sa akin. Kung minsan, nararamdaman kong isa akong posporong sinisindihan at hahayaang masunog, maubos nang mag-isa. Sa mga ganitong sitwasyon, hindi ako makalusot. Ano bang magagawa? Pagkatapos kong magsalita, isa na lamang akong pira-pirasong abong gustong maglaho't lumipad sa kawalan.
Hindi ba dapat madali lang magpahayag at magpaliwanag? Sa pagkakatanda ko, basta alam ko ang aking sasabihin ay wala na akong dapat problemahin. Hindi na pala ganoon ngayon?
Kung alam ko lang na ang pagsasalita ay ganito kahirap, akoyo na lang pala magsalita.

Mga etiketa:
essay,
filipino,
pagsasalita,
panitikan,
sanaysay
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)