Sabado, Hunyo 23, 2007

ah...4th yr. life..

nakakapanibago, parang kailan lang mangmang pa ko sa mga bagay-bagay. ngayon, na sa huling taon na ako ng high school. ang bilis talaga. parang bago ang lahat, parang nagsisimula ulit sa una...kakaiba talaga..di ko lubos maisip ang lapit na matapos ng high school, pero matagal pa ang isang taon (medyo malabo yun...hahaha)

nakakatawa pero gusto ko na matapos ang taon na ito para makapagsimula ng panibago sa college..pero naiisip ko na ayaw ko mahiwalay sa mga taong malapit sa akin..(malabo ulit yun)..ngayon kasing 4th yr, akala ko mas madali na ang lahat..akala ko pwede na ako makapagpahinga kahit papaano...yun pala mali...

mas humirap...napansin ko...parang madalas na nahihirapan at naguguluhan ako sa mga tinuturo ng mga teachers (lalo na sa mga subjects na dati hindi naman ako hirap intindihin)..minsan nawawalan na tuloy ako ng pag-asa...lalo na sa college (at mga entrance tests)...ang gulo ng utak ko ngayon...parang kung anu ano yung mga iniisip ko...hindi ako makapagdesisyon ng maayos..ni hindi ko na nga alam kung ano ang pangarap ko (o kung meron ba talaga ako nun..)

ewan ko...hindi ko mapaliwanag etong magulong bagay na nararamdaman ko..siguro nangangapa lang ako ulit dahil sa naninibago ako...

sana matapos na rin 'to...

3 komento:

  1. shet. alam mo ba pag teusday ata double period physics tas biglang trigo. kumusta ka naman, diba?!

    TumugonBurahin
  2. hahaha okie lang yan ndito lang kame mga ate's mo :)

    TumugonBurahin
  3. haha sorry ngayon lang ang reply dito hahaha!
    thanks abz and ate mai! :)

    kakayanin natin 'to!

    TumugonBurahin