Biyernes, Disyembre 19, 2008
Katangahan o Malas Lang?
Ang bilis ng pangyayari. Tumatakbo ako pauwi, pero ng lumagpak ang paa ko sa sahig ay bumalikot ito. Alam kong mali ng bagsak ng paa ko. Nakarinig ako ng malakas na tunog: tunog ng butong nabali, tunog na nakakatakot. Sa sandaling iyon ay nagawa ko pang makapaglakad ng ilang hakbang kahit na masakit na. Nakita ko rin na nagkaroon na ng bukol ang paa ko. Hanggang sa napansin kong lumaki ito at parang tabingi na ang itsura nito. Halos maiyak na ako, habang pinipilit kong humakbang pauwi. Pero 'di ko na rin kinaya. Mabuti na lang ay kasama ko ang kaibigan ko, at nakasalubong namin ang kuya niya. Tinulungan niya akong makauwi sa bahay.
Isang buong gabi kong tiniis ang sakit. At buong gabi ko rin hindi alam kung ano ang nangyari sa akin. Hindi ko malaman kung sa muscle lang ba ito, o may nabaling buto, o di kaya ay nadislocate na.
Kaninang umaga, nagpatingin ako sa ospital. Hindi ko pa rin talaga magawang makapaglakad. Mukha akong katawa-tawa sa paglakad ko gamit ang isang paa lang at gamit ang isang payong na pangtukod (dahil ang kabilang paa ko naman ay hindi ko maisayad sa lupa). Nakapagpa-xray ako, at nakuha rin agad ang resulta.
Nasabi sa akin ng doktor na nabali ang buto ko, ang malala pa ay lumihis pa ng direksyon. Kailangan ko raw maoperahan sa lalong madaling panahon. Mangiyak-ngiyak ako ng makita ko ang x-ray film. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Ang dami ko pang kailangang gawin at ang dami ko pang kailangang puntahan. Paano ko ito magagawa kung hindi ako makapaglakad?
Nararamdaman kong ang tanga ko. Nararamdaman ko rin napakamalas kong tao. Dahil sa oras pa na mapipili akong maaksidente ay kung kailan magpapasko. Ang dami na nga naming gastos tapos, dadagdag pa ito. Bakit ako nagkaganito?
Kaso nangyari na, wala naman na akong magagawa kung hindi sundin ang utos ng doktor. Bahala na, sana gumaling agad ang paa ko.
Miyerkules, Hunyo 25, 2008
Magulong, Malabong, Mahirap na Masayang Buhay Kolehiyo
Tatlong linggo na akong pumapasok sa bago kong eskwelahan/unibersidad (UP). Freshman: "fresh na fresh" pa sa lahat ng mga bagay na pumapalibot. Pero nang pagtagal, mukhang wala na ang "freshness" dahil talagang magulo, malabo, at mahirap kapag bago ka pa lang talaga sa isang lugar. Sa lagay ko, nasa "adjustment period" pa rin ako (siguro napakatagal ko na yatang nag-aadjust?!). Napakaraming bagay na sobrang iba sa dati, at minsan hindi ko rin ikinatuwa.
*Una, sa sobrang init, usok at alikabok na natatamasa sa pag-commute dahil wala na ang nakaka-miss na school bus. Wala nang aircon na sasakyan, hello jeep (ang bago mong "travel buddy")! Dito, natutunan kong maging "independent" at mas maging maalam sa paligid ko at pati na sa direksyon o routa ng jeep.
*Pangalawa, napakaraming patakaran at mga katawagan sa lugar/building/kainan na nakakagulo ng utak. Puro tuloy ako tanong: "excuse me po..?", "saan po..?", "sino po?..", "kailan po?..","paano po?.." at kung anu-ano pa (ang dami..at halos ganyan ang format). Pero sa pagtatanong, nalalaman ko ang kasagutan.
*Pangatlo, dito ko naranasang maghintay, ng maghintay at maghintay...para sa pagdating ng prof (na minsan o madalas ay WALA). Talagang masususbok ang pasensya mo dahil noong high school, hindi ito nangyayari nang madalas. Ngayon, halos araw-araw mayroon at mayroong prof na hindi ka sisipotin. Sa iba, ikakatuwa iyon, pero sa akin hindi. Eh kung malaman mo lang kaya na sa lahat ng subject eh walang prof, matutuwa ka pa?! (SAYANG! Sayang ang matrikula, ang pamasahe, ang oras na dapat ay itinulog mo, pera para sa pagkain, at lalo na ang effort na magmadali at pumasok nang maaga.) Iniisip ko na lang kapag ganito, "kapag free cut..mahaba ang break! YEHEY! Makakasama ko nang mas matagal ang mga kaibigan ko/ kasabay ko tuwing break..ayos!" Pero ang mas importante kong napag-isip isip at nasasabi sa sarili tungkol sa pagliliban ng mga prof ay: "Kung sa bagay, isang tanda niyan na huwag umasa sa prof, dahil ang kailangan gawin ay magbasa at maging handa parati sa maaaring talakayin--ang talagang paraan upang makapasa."
*Pang-apat, binibihasa ko na ang sarili ko sa paglalakad. Oo, may jeep na IKOT at TOKI pero kapag dumating ang panahon na sobrang traffic (gaya na lang noong sentenaryo at oblation run, hindi na gumagalaw ang mga sasakyan) at aabutin ka ng siyam-siyam dahil sa pagsakay, aba'y maglakad ka na lang kahit gaano man kalayo iyon. Natututnan kong maglakad mula central footbridge hanggang GYM, GYM hanggang CAL, CAL hanggang MATH, MATH hanggang OUR, at sa bungad papuntang balara hanggang ALUMNI CENTER. Mahirap yun, mainit pa, pero kung may kasama ka..WALA YUNG LAYONG 'YON :)) (nakikipagchikahan ka na paraan upang mapalapit lalo sa bagong kakilala, nakakapag-exercise ka na, nakakapayat pa haha!)
*Pang-lima, nakakalungkot na bibihira lamang ang taong talangang lalapit at kakausap sa iyo at magiging ka-"close" mo. NAPAKATAHIMIK ng klase dahil walang pakialamanan. Kung 'di ka gagawa ng paraan, minsan mapapanis na lang ang laway mo. Kinakati talaga ako sa pakikipag-usap sa katabi ko habang wala pang prof dahil nakakabato at nakakabaliw ang katahimikan kaya ayun kumakausap na lang. Buti naman nirereplyan ako haha! (parang text) At yung iba ay nakakausap ko nang tuloy-tuloy (kaso may iba na one liner lang ang sagot).Pero kahit papaano, mayroon naman akong mga bagong naging kaibigan kahit isa bawat subject. (Okay na iyon kaysa wala).
*Pang-anim, kung minamalas nga naman ay kailangan kang ilipat sa ibang klase. Nangyari sa akin ito at wala akong kaalam-alam kung paano magbago noon. Akala ko kapag approve yung prof, wala ka nang alalahanin. Iyon pala napakaraming echeborecheng gagawin. Nakakainis na pakiramdam ang walang alam. Ganoon ako nung nilalakad ko yung "CHANGE MATRICUALTION" form, tanong nang tanong at minalas pa dahil itinuro sa maling direksyon. Hanep talaga, gulong-gulo na nga ako dahil sa pag-iba ng subject (dialect pa naman..ILOKANO -> BIKOLANO) tapos ginugulo pa ako kung ano yung gagawin ko matapos lang ang proseso.
Sa anim na bagay na iyan, naranasan ko ang hindi gaano magandang parte ng buhay kolehiyo. Pero, kung tutuusin nakakabit na rin sa anim na iyan ang mga magaganda at positibong epekto sa akin ng mga karanasang iyan.
Masaya naman ako kung nasaan ako. Mahirap na masaya: isang malabo o magulong pakiramdam. Sa tingin ko, mas naging masaya ako nang maranasan ko ang lahat ng mga bagay na hindi ko naranasan noong highschool (masaya man o hindi). Pero ang lalo kong ikakasaya ay kung tatagal ako at makakapagtapos din dito (kung saan ako nagsisimula) kahit na gano kahirap.
Huwebes, Hunyo 12, 2008
Modern Minds and Great Times Concert (Part 3) :)
Martes, Hunyo 10, 2008
Modern Minds and Great Times Concert (Part 2) :)
May 30,2008
This concert ROCKS!
I love my front row buddies!
-Tsina
-Jackie
-Fish
:)
Pasalamat din kami kay "Kuya Bouncer" dahil pinayagan niya kaming pumunta sa may harap ng stage..(Nadaig pa namin tuloy yung mga nasa VIP Patron haha!)..Dapat ay nasa Patron lang kami nakaupo..pero dahil mabait si kuya,mas napalapit kami sa kanila :)
Sabado, Mayo 31, 2008
Modern Minds and Great Times Concert (Part 1)
Miyerkules, Marso 5, 2008
Mga huling araw ng buhay high school
Grabeng bilis talaga ng mga pangyayari. Parang nung isang linggo (at nakaraang linggo) lang eh nagmamadali na akong matapos ang exams. Tapos, ngayong tapos na ang exams eh parang hindi ko gaano napansin. "Fast forwarded" ang lahat. Ang bilis natapos ng exams at ang sigawan ng mga seniors dahil tumunog na ang bell (na ibig sabihin ay: TAPOS NA ANG PAGHIHIRAP NIYO MGA IHA! :P) Nakakagulat na ngayon ay hindi na kami nag-aaral para sa mga quiz at 'di na rin gumagawa ng mga homework at projects. Ang inaatupag na lang namin ay clearance, at (aatupagin pa lang) graduation practices.
Noong mass, sobrang iyakan sa Lit Choir. ('Yon na kasi ang last First Friday Mass para sa mga seniors.) Tinanong pa nga ako ni Sir Castro: "Umiiyak ka na lola?" Sinabi ko pa naman sa sarili ko na hindi talaga ako iiyak. (Eh mukhang "foreshadowing" eh. Napaluha rin ako noong recessional song.) Hindi ko kinaya na lahat ng nasa paligid ko eh nag-iiyakan. Mas lalong hindi ko kinaya: yung lyrics ng kanta. "Hanggang sa muli" yung huling linya. Yun din ang nakapagpaisip sa akin na "Kailan kaya yung 'hanggang sa muli' na 'yon?" (oo ma-drama pero totoo..hiwahiwalay na nga talaga pagdating ng kolehiyo. Naisip kong itong mg taong 'to eh hindi ko na makikita at makakasama ng madalas. Kailan uli yung pagkakataon na 'yon?)
Hay, siguro 'di ko na rin mamamalayan...graduation na...Kaya dapat lang na lubos-lubusin na yung mga natitirang araw...
Biyernes, Pebrero 22, 2008
My name is Deidre
What Deidre Means |
![]() You are powerful and competent, especially in the workplace. People can see you as stubborn and headstrong. You definitely have a dominant personality. You are friendly, charming, and warm. You get along with almost everyone. You work hard not to rock the boat. Your easy going attitude brings people together. At times, you can be a little flaky and irresponsible. But for the important things, you pull it together. You tend to be pretty tightly wound. It's easy to get you excited... which can be a good or bad thing. You have a lot of enthusiasm, but it fades rather quickly. You don't stick with any one thing for very long. You have the drive to accomplish a lot in a short amount of time. Your biggest problem is making sure you finish the projects you start. You are wild, crazy, and a huge rebel. You're always up to something. You have a ton of energy, and most people can't handle you. You're very intense. You definitely are a handful, and you're likely to get in trouble. But your kind of trouble is a lot of fun. |