Tatlong linggo na akong pumapasok sa bago kong eskwelahan/unibersidad (UP). Freshman: "fresh na fresh" pa sa lahat ng mga bagay na pumapalibot. Pero nang pagtagal, mukhang wala na ang "freshness" dahil talagang magulo, malabo, at mahirap kapag bago ka pa lang talaga sa isang lugar. Sa lagay ko, nasa "adjustment period" pa rin ako (siguro napakatagal ko na yatang nag-aadjust?!). Napakaraming bagay na sobrang iba sa dati, at minsan hindi ko rin ikinatuwa.
*Una, sa sobrang init, usok at alikabok na natatamasa sa pag-commute dahil wala na ang nakaka-miss na school bus. Wala nang aircon na sasakyan, hello jeep (ang bago mong "travel buddy")! Dito, natutunan kong maging "independent" at mas maging maalam sa paligid ko at pati na sa direksyon o routa ng jeep.
*Pangalawa, napakaraming patakaran at mga katawagan sa lugar/building/kainan na nakakagulo ng utak. Puro tuloy ako tanong: "excuse me po..?", "saan po..?", "sino po?..", "kailan po?..","paano po?.." at kung anu-ano pa (ang dami..at halos ganyan ang format). Pero sa pagtatanong, nalalaman ko ang kasagutan.
*Pangatlo, dito ko naranasang maghintay, ng maghintay at maghintay...para sa pagdating ng prof (na minsan o madalas ay WALA). Talagang masususbok ang pasensya mo dahil noong high school, hindi ito nangyayari nang madalas. Ngayon, halos araw-araw mayroon at mayroong prof na hindi ka sisipotin. Sa iba, ikakatuwa iyon, pero sa akin hindi. Eh kung malaman mo lang kaya na sa lahat ng subject eh walang prof, matutuwa ka pa?! (SAYANG! Sayang ang matrikula, ang pamasahe, ang oras na dapat ay itinulog mo, pera para sa pagkain, at lalo na ang effort na magmadali at pumasok nang maaga.) Iniisip ko na lang kapag ganito, "kapag free cut..mahaba ang break! YEHEY! Makakasama ko nang mas matagal ang mga kaibigan ko/ kasabay ko tuwing break..ayos!" Pero ang mas importante kong napag-isip isip at nasasabi sa sarili tungkol sa pagliliban ng mga prof ay: "Kung sa bagay, isang tanda niyan na huwag umasa sa prof, dahil ang kailangan gawin ay magbasa at maging handa parati sa maaaring talakayin--ang talagang paraan upang makapasa."
*Pang-apat, binibihasa ko na ang sarili ko sa paglalakad. Oo, may jeep na IKOT at TOKI pero kapag dumating ang panahon na sobrang traffic (gaya na lang noong sentenaryo at oblation run, hindi na gumagalaw ang mga sasakyan) at aabutin ka ng siyam-siyam dahil sa pagsakay, aba'y maglakad ka na lang kahit gaano man kalayo iyon. Natututnan kong maglakad mula central footbridge hanggang GYM, GYM hanggang CAL, CAL hanggang MATH, MATH hanggang OUR, at sa bungad papuntang balara hanggang ALUMNI CENTER. Mahirap yun, mainit pa, pero kung may kasama ka..WALA YUNG LAYONG 'YON :)) (nakikipagchikahan ka na paraan upang mapalapit lalo sa bagong kakilala, nakakapag-exercise ka na, nakakapayat pa haha!)
*Pang-lima, nakakalungkot na bibihira lamang ang taong talangang lalapit at kakausap sa iyo at magiging ka-"close" mo. NAPAKATAHIMIK ng klase dahil walang pakialamanan. Kung 'di ka gagawa ng paraan, minsan mapapanis na lang ang laway mo. Kinakati talaga ako sa pakikipag-usap sa katabi ko habang wala pang prof dahil nakakabato at nakakabaliw ang katahimikan kaya ayun kumakausap na lang. Buti naman nirereplyan ako haha! (parang text) At yung iba ay nakakausap ko nang tuloy-tuloy (kaso may iba na one liner lang ang sagot).Pero kahit papaano, mayroon naman akong mga bagong naging kaibigan kahit isa bawat subject. (Okay na iyon kaysa wala).
*Pang-anim, kung minamalas nga naman ay kailangan kang ilipat sa ibang klase. Nangyari sa akin ito at wala akong kaalam-alam kung paano magbago noon. Akala ko kapag approve yung prof, wala ka nang alalahanin. Iyon pala napakaraming echeborecheng gagawin. Nakakainis na pakiramdam ang walang alam. Ganoon ako nung nilalakad ko yung "CHANGE MATRICUALTION" form, tanong nang tanong at minalas pa dahil itinuro sa maling direksyon. Hanep talaga, gulong-gulo na nga ako dahil sa pag-iba ng subject (dialect pa naman..ILOKANO -> BIKOLANO) tapos ginugulo pa ako kung ano yung gagawin ko matapos lang ang proseso.
Sa anim na bagay na iyan, naranasan ko ang hindi gaano magandang parte ng buhay kolehiyo. Pero, kung tutuusin nakakabit na rin sa anim na iyan ang mga magaganda at positibong epekto sa akin ng mga karanasang iyan.
Masaya naman ako kung nasaan ako. Mahirap na masaya: isang malabo o magulong pakiramdam. Sa tingin ko, mas naging masaya ako nang maranasan ko ang lahat ng mga bagay na hindi ko naranasan noong highschool (masaya man o hindi). Pero ang lalo kong ikakasaya ay kung tatagal ako at makakapagtapos din dito (kung saan ako nagsisimula) kahit na gano kahirap.
pwede bang i-quote lahat kasi... sobrang nakakarelate akooo.
TumugonBurahinlalong lalo na sa.. er.. lahat. o.o
di parin kita nakikita deidre. :(
deidre is lab :) grabe, wala talagang dadaldal sayo kung hindi ka kakilala di ba. nakakairita. parang napapabasa na lang din ako :)) hangawt tayo ha!! :D
TumugonBurahinAww. =))) Miss ko na youuuu. :) Wala ka bang kakilala na taga up rin? Like classmate mo or choirmate?
TumugonBurahinParang ganyan ang din siguro ang buhay kapag wala ka na sa UP, talagang... parang "on your own" Malas yung pang-lima mo, i mean, nakakabagot din yun
TumugonBurahinoo pwedeng-pwedeng i-quote lahat :)) (naks, hindi ka nag-iisa..may karamay ka!)
TumugonBurahinhay, bakit nga ba hindi pa rin kita nakikita?!
:|
hahaha! oo nga naman, 'di ako kilala :P
TumugonBurahinyun nga eh, wala ng magawa minsan kaya nagbabasa na lang haha!
sige ba, hangowt ah! :)
meron naman akong kilala, yun nga lang hindi ko sila classmate..so struggle sa pakikipagkilala sa mga tao sa class..(bawat subject subject kasi iba-iba ang classmate ko)
TumugonBurahinmiss ko na rin ikaw! :)
tama ka lyza, kanya-kanya na..
TumugonBurahinyung pang-lima, nakakabagot talaga..pero kahit papaano naman, nagagawan din ng paraan haha! :P
:((
TumugonBurahingusto ko nang umiyak!
namimiss ko na kayo!
ang college ay isang praktisan pag nasa "outside world" ka na...
kung di ka gagalaw aba'y mammumulok ka nga naman sa sulok
awww...nakakamiss ka na rin.. :(
TumugonBurahintama ka na praktisan ang kolehiyo ng "outside world" o mundong tapos na sa pag-aaral at mas mabigat na ang responsibilidad at trabaho kaya dapat nga naman ay may gawin..hay..
TINATAGUAN MO AKO E. HMPH.
TumugonBurahinjoke. labyu deids!
Waaaahh.. it took me forever to understand what you wrote on here.. Sobrang lalim ng tagalog mo! O______________O
TumugonBurahinisa pang nakakainis sa pag-commute, kapag sinabi mong estudyante ka tas binigay mo sampung piso, 2 pesos pa rin sukli sayo..ano ba tlga? 7 pesos or 6.50 pa rin? kanina nga ang sweet ng driver (uy!) binayad ko 7 pesos tas sinuklian pa ng 50 centavos. at hindi un ikot or toki na jeep ha
TumugonBurahinweh? sorry kirt :P
TumugonBurahinpero salamat din ;) kasi pinilit mong intindihin yung sinulat ko :))
oo..ganyan din nga nangyayari sa akin..paiba-iba singil ng mga mamang drayber eh..tsk..
TumugonBurahinwow ang sweet nga ni manong, ang bait :))
sa pagkakaalam ko, ang ikot at toki jeep ay 7 pesos (minimum fare/student fare)..pero kapag philcoa, 7.50 na kahit estudyante ka :O
you can do it, ate dei. :)
TumugonBurahinhaha! salamat nikki :)
TumugonBurahinnyeh! hindi ah :))
TumugonBurahinlabsyu too paula ;)