Hahayaan na lamang matuyo
gaya ng damdaming tinatago.
Linggo, Setyembre 21, 2014
Martes, Mayo 6, 2014
Guinness World Records
Oldest yoga teacher mula sa Amerika, 90 years old. Bagets
manamit. Ang talent malupit. Aakalain mong kapapanganak lang niya sa lambot ng
mga buto.
Lalaking tatuan at puno ng hikaw, patutunayang malakas
ang nasal cavity nito. Binarena ang ilong. Sinuksukan pagkatapos ng malaking
hook na lumusot sa may ngalangala niya. Sabay hinila ang kotse ng anim na metro
gamit ito.
Isang Tsino, pinutol ang mga steel wire na nakabalot sa
itlog gamit ang chainsaw. Sa loob ng 56 segundo, lima ang naputol na wire,
walang itlog na nabasag.
Lamig, kakalabanin ng isang balbas-saradong mamà . Tinalo ang
dating record-holder. Tumagal ng isang oras at 41 minuto sa loob ng kahong
pinuno ng abot-balikat na yelo.
(Commercial break. Lipat muna ng channel.)
“Mahigit singkuwenta patay sa Maguindanao. Pinakamaraming
bilang ng mamamahayag na pinaslang sa isang araw, naitala.”
(Balik sa dating channel.)
You’re still watching, Totally Insane Guinness World Records.
Mga etiketa:
dagli,
filipino,
flashfiction,
guinness,
guinnessworldrecords,
kuwento,
literatura,
literature,
maguindanaomassacre,
maikli,
maiklingkuwento,
panitikan,
records,
short,
shortstory,
story
Biyernes, Pebrero 28, 2014
Huwag na Lang
Huwag mo akong pagmalasakitan,
kung hindi mo kaya’t
napipilitan ka lang
gawin ang isang bagay
na labag sa ‘yong kalooban.
Kung idinadamay lamang ako
sa pagpaparamdam mo
ng lihim na pagsinta
sa iba,
huwag na lang pala.
Kung tunay ngang nag-aalala,
huwag nang manggambala
sa pagtibok
ng pulsong
pautay-utay
pinapatay.
Huwag mo ring dagdagan
ang dahilan
para maniwala pa
sa mga salitang harayang
baka aking abutin
hanggang ako’y mabitin.
Naiintindihan mo ba?
Sana…
'Pagkat hindi ko kailangan
ng malasakit mo,
dahil alam kong
hindi iyan,
hindi naman talaga
para sa akin.
Mga etiketa:
feelings,
filipino,
freeverse,
huwag,
huwagnalang,
lang,
literature,
malaya,
malayangtaludturan,
na,
panitikan,
poem,
poetry,
tula
Biyernes, Setyembre 20, 2013
Prioridad (Original)
Minsan akong sinapian ng kaluluwa ng pagkamalikhain, at dahil dito nakabuo ako ng isang kanta. Ito na ang aking ikatlong komposisyon mula nang magsimula akong sumubok sa pagsusulat ng kanta noong nasa high school pa ako. Borador pa lamang ang lyrics at ang recorded sound, pero mahigit kumulang ito na talaga ang tono at ang mga salitang gusto kong gamitin.
Lagi na lang akong nahuhuli sa mga iniisip mo
Di na nagtataka, alam kong nasa sulok lang ako
Sinasantabi, tahimik na nagmamasid sa malayo
Lagi na lang akong pangalawa sa mga pinipili mong
Samahan, kausapin, tanungin ang damdamin
Laging nag-aabang sa pagkakataong ako’y iyong unahin
Sabi ko sa aking sarili na hindi ko na ipipilit pa
Ang mga bagay na hindi na maaari o hindi para sa akin talaga
Sumpa ko sa aking sarili na hindi na ‘ko aasa pa
Nang higit pa rito sa kung anong meron tayo ngunit bakit ba
Ang puso ko ay kumukontra
Kasama man kita, mistulan kang bula agad nawawala
Malaman mo lang na siya’y naririyan ikaw ay lilisan
Maiiwang nakatanga, nagtataka kung balik mo’y kailan

Huwebes, Agosto 8, 2013
Pagkakantin(DI)han
Dumarating ako sa punto na mismong sarili ko ay pinagdududahan ko. Wala itong kinalaman sa sekswal na oryentasyon ko o kung ano pa man. Nagtataka lamang ako kung bakit kinukuwestyon ko lagi ang sarili ko sa tuwing may nagiging reaksyon akong palagay ko'y normal lamang naman. Kung tama o mali ako? Kung tama ba o mali na naman ako.
May mga ginagawa akong bagay na bunsod lang ng matinding emosyon. Kasiyahan, kalungkutan, pagkainis, pagkagalit at kung ano-ano pa. Kung masayang-masaya ako, mas madaldal ako at gusto ko lang tumawa. Kung malungkot naman, gusto kong mapag-isa (at magpigil ng iyak kung maraming tao sa paligid). Kung naiinis ako o nagagalit, gusto kong magsalita at iparating na hindi na ako natutuwa. Pagkatapos nito'y gusto ko na lamang manahimik dahil ayaw kong madagdagan pa ang anumang lumabas sa bibig ko na maaaring nakasakit na pala ng iba.
Kadalasan, ang epekto ng mga ginagawa ko batay sa mga emosyong ito ay palpak. Laging may di pagkakaintindihang nangyayari pagkatapos. At ang bagsak ng sisi, lagi't laging nasa akin.
Hindi ko alam kung mababaw lang talaga akong tao. Minsan sa mga maliliit na bagay ay naaapektuhan ako. Karaniwan, sa mga salita ako pinakatinatamaan. Isang salita lamang ay maaaring makapagpabago ng aking nararamdaman. Masaya sa una, ngunit kung may maririnig na isang hindi magandang salita, maaaring bumagsak lahat ng lumulutang na kasiyahan. Ganoon kabilis.
Isang halimbawa ang asaran. Hindi ko maiiwasang masangkot dito. Ayos lang naman ang talaga ang asaran para sa akin dahil parte na ito ng tipikal na ginagawa ng mga magkakaibigan. Hindi naman ako napipikon. Pero ewan ko ba kung bakit nauwi sa pagkainis ko ang minsang asarang nangyari.
Walang kaso sa akin kung asarin ako tungkol sa aking histura o kung ipapares ako kung kani-kanino. Kung asarin ako sa isang matandang-matandang lalake, sa isang taong pinakaayaw ko, una kong reaksyon ay pandidiri (bilang pagpapakitang hindi ko gusto ang ideya). Ngunit hindi nawawala rito ang aking pagtawa sa mga biro dahil alam kong hindi rin naman talaga nila gusto ang maipares ako sa mga taong ayaw ko.
Eh bakit ako biglang nainis?
Ayaw na ayaw ko lang ang pambibiro sa akin lalo na kung naririnig ito ng taong inaasar nila sa akin o sa mga taong malalapit sa kanya. Nasabi ko naman din sa kanila ang tungkol dito. Ang sa akin lang ay hindi ko hawak ang isip ng iba. Hindi ko naman din mababawi ang mga salitang nasabi na ng mga nambibiro sa akin kung sakaling paniwalaan ito ng mga nakakarinig. Palagay ko rin na kung sila ang nasa sitwasyon ko, paniguradong ayaw nilang mangyari ito sa kanila.
Inisyal na rekasyon ko ang mainis. Sinabi ko na nang diretsa ang nararamdaman ko. "Nakakainis kasi." Pagkatapos nito ay lumapit sa akin ang taong nang-asar sa akin at kinausap ako. Inalok ako ng isang boteng tubig. Tinanggap ko naman. Kaya lang, pakiramdam ko kulang pa rin.
Hindi ko kailangan ng tubig. Ang kailangan ko ay sabihin lang naman sa akin ang salitang "sorry". O di kaya naman ay ipaliwanag niya ang sarili niyang ginawa para maintindihan ko. Hindi rin naman ako magdadamot ng "sorry" dahil sa naging reaksyon ko.
Wala na akong narinig pagkatapos.
Wala rin ni isa sa mga kaibigan ko ang lumapit sa akin para tanungin ako kung may mali ba sa akin. Hindi sa naghahanap ng kakampi, pero nakakalungkot lang na walang nag-aalala o nag-iisip sa kalagayan mo. Masakit isiping walang uunawa sa 'yo kundi ang sarili mo. Dahil sa mga panahong sila ang nagkakaroon ng problema, ako ang takbuhan nila. Ngayong ako ang may problema, walang gumagawa ng aking papel bilang tagapakinig. Wala akong mahingahan.
Dahil ako ang naiwang mag-isa, ako nga ba talaga ang mali sa pangyayari? Mukhang ako na naman.

Huwebes, Mayo 2, 2013
Nagkataong Pagkakataon
Sa pagbalik sa dating tagpuang matagal ng hindi napupuntahan, may posibilidad na mangyari ang isa o higit pa sa mga sumusunod: maghintay sa pagdating ng isang inaasahan, makakita ng pamilyar na mukha, makakuwentuhan sila, malibre ka sa pagkain, matagalan sa paghabol sa patung-patong na utang na kuwento ng bawat isa (maalala ang nakalipas, mapag-usapan ang kasalukuyan, masabik sa hinaharap), at mamalayang patuloy kang nakangiti hanggang sa pag-uwi.
Kung sinusuwerte ka, puwede mong maranasan ang lahat ng ito --sa loob ng kalahati ng kalahating araw lamang.

Linggo, Pebrero 10, 2013
Boats and Birds (Cover)
Minsan kapag naghalo ang kaburyungan at ka-randoman, may maganda rin naman palang kinalalabasan.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)