Sabado, Hulyo 14, 2007

lab rep..

Dati ang lab reports nung 1st to 4th year eh napakadali, yung tipong kahit hindi mo "karirin/careerin" tatama parin yung sagot mo. Unang-unang rason kasi, eh ang iiksi lang naman ng mga tanong sa mga lab reports dati. Pangalawa, ang dali gawin ng mga yun: simple. Pangatlo, at pinakahuling rason, ang mga sagot ay pwedeng-pwedeng mahanp sa internet. Walang kapawis-pawis, walang nasasayang na pagod sa paggawa ng mga iyon.
Kung dati namamani ko lang ang mga lab reports, ngayon: HEEEELLP! Kailangan ko ng mga matatalinong tutulong sa akin!
Unang-una, ang haba ng mga tanong. Pangalawa, ang hihirap ng tanong. Dati rati, kahit hanapin mo lang sa internet eh masasagot mo yun kahit hindi mo na pag-aksayahan ng panahon sa pagsagot. Pero, iba na talaga... HINDI PWEDENG HINDI MO GAWIN!
Nakakabaliw na talaga! prang lalong lumalala ang pag-aaral bawat taon na lumilipas at tumataas ang lebel mo! hahaha!
Sana maging maayos din 'to at makaya rin ang lahat ng mga gagawin..
Lord help us!

Sabado, Hunyo 23, 2007

ah...4th yr. life..

nakakapanibago, parang kailan lang mangmang pa ko sa mga bagay-bagay. ngayon, na sa huling taon na ako ng high school. ang bilis talaga. parang bago ang lahat, parang nagsisimula ulit sa una...kakaiba talaga..di ko lubos maisip ang lapit na matapos ng high school, pero matagal pa ang isang taon (medyo malabo yun...hahaha)

nakakatawa pero gusto ko na matapos ang taon na ito para makapagsimula ng panibago sa college..pero naiisip ko na ayaw ko mahiwalay sa mga taong malapit sa akin..(malabo ulit yun)..ngayon kasing 4th yr, akala ko mas madali na ang lahat..akala ko pwede na ako makapagpahinga kahit papaano...yun pala mali...

mas humirap...napansin ko...parang madalas na nahihirapan at naguguluhan ako sa mga tinuturo ng mga teachers (lalo na sa mga subjects na dati hindi naman ako hirap intindihin)..minsan nawawalan na tuloy ako ng pag-asa...lalo na sa college (at mga entrance tests)...ang gulo ng utak ko ngayon...parang kung anu ano yung mga iniisip ko...hindi ako makapagdesisyon ng maayos..ni hindi ko na nga alam kung ano ang pangarap ko (o kung meron ba talaga ako nun..)

ewan ko...hindi ko mapaliwanag etong magulong bagay na nararamdaman ko..siguro nangangapa lang ako ulit dahil sa naninibago ako...

sana matapos na rin 'to...