sa ngayon, naguguluhan pa rin ako kung ano talaga ang gusto kong gawin sa buhay ko. minsan nga eh naiisip kong "wala kong pangarap sa buhay." ngunit nang matapos kong basahin ang libro ni Paulo Coelho na The Alchemist, medyo nag-iba ang isip ko. parang may nagsasabi sa akin na imposibleng wala kong pangarap dahil ayon sa librong ito, ang pangarap mong gawin ang misyon mo sa buhay. ito ang rason kung bakit ka ginawa ng Nasa Itaas.
nakakatuwang isipin pero ang dami kong natutunan. sobrang tumatak sa akin ang kwentong ito at talagang nabuhayan ako ng loob tungol sa pangangarap at sa pagsunod nito. parang ang librong ito ang nag-uudyok sa akin na hanapin ang sarili ko. parang ang batang tauhan ng kwetong si Santiago. ang pagkakaiba lamang namin ay may pangarap siya, alam niya kung ano ang gusto niyang patunguhan. samantalang ako naman ay wala; lito pa rin sa kung anong gagawin ko. ngunit hindi naman siya talaga naiiba sa akin, siguro ang isang bagay na pagkakapareho namin ay mayroon kaming hinahanap: hinahanap ang tamang daan. siya ay naghahanap sa kayamanang nakatago sa Pyramid ng Egypt, ako nama'y hinahanap ang totoong ako. hinahanap ang daan kung saan ako dapat mapadpad, at kung ano nga ba ang aking "passion" (ang salitang gasgas na gasgas na sa mga "requirement" ng mga kolehiyo o unebersidad sa mga estudyanteng hinahanap nila, tulad na lang ng "The One School" haha!)
ang librong ito ay talaga namang "insipiring." ang istorya ay napakaganda, na parang gusto mong maging tulad ni Santiago. marami kang matututunan sa mga dialogo ng mga tauhan. sa sobrang ganda ng mga linya nila ay 'di ko maiwasag isulat ang mga ito. hindi ko binitawan ang librong ito hanggat hindi ko pa natatpos. ito ang unang beses na wala pang isang araw ay natapos kong tapusin ang isang libro at hindi mabagot dito.
wala akong masabi kundi napakagaling ng ipagkakasulat nito. napakagaling din ng nag-isip nito, at iyon ay ang sumulat. ngayon, napapaisip tuloy ako. gusto ko rin maka-"inspire" ng ibang tao. gusto kong may matutunan sila sa akin (kahit na iniisip kong isa lamang akong inutil na nananaginip) parang gusto kong maging tulad niya.
pero, hindi ko pa talaga alam ang magiging takbo ng buhay ko.
siguro, mapapaliko rin ako roon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento