oo...bukas na nga ang simula ng UPCAT (University of the Philippines College Admission Test)...6:30 ng umaga ang simula ng "pakikigiyera ko ng gabi" (sabi ni Sir Bigs)...bakit giyera sa gabi? sabi niya, hindi mo na raw kasi malalaman kung ano ang nangyari...parang mawawala ka lang naman sa sarili mo.
hay...eto na nga yung pinaka-importanteng "admission test" na kukunin ko...hindi ko alam, pero sobrang gusto kong pumasok sa unibersidad na ito. maganda kasi ang edukasyon, mura talaga ang matrikula, at malapit lang lakbayin...yun nga lang, problema ko ay kung makakapasa kaya ako? sabi nila, isa ito sa mga pinakamahihirap pasahan na unibersidad. unang una, dahil ang daming kukuha nito. sabihin nating 60,000..at ang kukuin lang nila ay mga 7,000...siguro naman alam mo na kung ilang porsyento ng pag-asa mong makapasok dito. sa akin, siguro mga 10%, maliit sa kung maliit. pero, isipin mo naman, ilang tao ang kalaban mo, ilang utak na matatalino at ilang mga genius galing sa iba't ibang probinsya o lugar ang hahamunin mo!? ANG DAMI DIBA?!
nagiging imposible na sa aking maging positibo. may mga kilala akong masasabi kong mas matatalino talaga sakin (hindi hamak) ang hindi nakapasa. EH AKO PA KAYA na hamak na "average" na estudyante?! hay..mahirap na ring umasa, masakit kasing tanggapin kung hindi pala mapapasayo kung ano ang gusto mo eh..tulad nito..
kumuha ako ng mga "non quota" courses dito sa UP. dahilan ko ay gusto kong bigyan kahit konting "chance" ang sarili ko na makapasok. at masabi ko naman na hindi ko pinatalo ang sarili, at hindi ako ambisyosa na kumuha ng mahirap pasukan na kurso. sabi nga nila "CREAM OF THE CROP" gasgas na gasgas na linya na sinasabi nila tungkol sa mga kinukuha o pinapasa ng UP. nakakainis pakinggan...dahil sa tingin ko...isa lang ako sa mga crop na yan...at hinding-hindi ako mapapabilang sa "CREAM"
nakakatawa, dahil kahapon noong nag-aaral ako (OO, nag aaral ako!)..nalaman ko na 50% pala ang "chance" mong makapasok sa UP kung ang pangalawang pinili mong campus ay ung "regional campus" tulad ng up los banos, up baguio atbp. ayun naman eh...ang up manila at up diliman ang may PINAKAMATAAS NG CUT-OFF NG UPG. kamusta naman ako? eh yun lang naman ang pinili kong dalawang campus (ambisyosa rin pala ako..nagkamali ako sa sinabi ko kanina..pero dahil hindi ko naman alam na ganun pala)...ayan, nabwasan pa lalo ang porsyento ko na makapasok dito. kung 10% kanina, ngayong 5% na lamang.
BAKIT PO ANG HIRAP?!!?!! nakakaiyak...nag-aral nga ako kahapon...pero sa tingin ko hindi pa sapat yung mga inaral ko at yung mga na "absorb" ko mula kahapon. hindi naman ako nakapag review classes nung summer. at lalong hindi ako nakakapag-aral nang regular nuong mga nakaraang linggo sa damin ng mga ginagwa ko at sa mga nangyari sa akin. at ngayon naman, bawal na mag-aral..dapat magpahinga na lang daw. wala naman daw kasing mararating ang "CRAMMING" (na balak ko sana gawin ngayon..hmmm...)
hindi ko alam kung ano'ng mangyayari sa akin bukas sa giyreang ito. at suntok sa buwan din na malaman ko ang mga lalabas sa exam na ito. sa ngayon, pinagdarasal ko nalang ang sarili ko at siyempre ang iba pang mga kukuha rin nito.
sana talaga, sumabit manlang ako dito. kahit ako yung pang 7,000 o panghuling estudyanteng kukunin nila (kung 7,000 nga ang kukunin nila), masaya na ako!
kamusta naman dei ang haba.. tinatamad ako magbasa.. eto nalang comment :)
TumugonBurahinhahahahah...
WAAAAAHHHHH! hindi ka nag-iisa deidre, ang masaklap pa nito, first chioce ko ang up manila. at nursing pa ang 1st choice ko. :((
TumugonBurahintayo'y magdasal at maniwala sa Kanya. :)
TumugonBurahin"Lord, what You will let it be so"
*...dasal...*
TumugonBurahinhahaha! oks lang te mai ;)
TumugonBurahinhay steph...nakakadismaya...pero wala na tayong magagawa kundi magdasal na lang para magkaroon ng mirakulo na umabot tayo sa cut off ng UP... hay :(
TumugonBurahinparang kanta ata yun ah...hahaha
TumugonBurahinsana dinggin ni Lord yung hiling kong makapasok sa UP kahit na imposible..
:(
pero si Lord lang talaga ang megdedesisyon kung karapat-dapat nga...