Ewan ko ba kung ano ang meron sa araw na ito. Parang sobrang nakakadismaya, nakakalungkot, parang may malaking nawala sa 'kin. Magulo...
siguro kaya ganito ang pakiramdam ko ay dahil sa panahon..(oo panahon dahil nakakaapekto siya sa "mood" ng mga tao) umuulan eh, parang umiiyak nang todo ang langit. malamig at parang ayaw mong gumawa ng kahit anong magpapahirap o magpapagulo ng isip mo. Ang problema ay imposible ko yun magawa. Unang-una, sa skul ay hindi pwedeng hindi paganahin ang utak. Hindi pwedeng walang "effort" sabi nga nila. Ang hirap talaga gawin ang gusto kong gawin ngayon: ang magpahinga.
Nakadagdag pa tuloy sa mga iniisip ko yung mga dapat ipapasa RAW NGAYON..lalo na yung THE (na pinagpuyatan ko noong sabado..alas tres na ng umaga ako natapos..) Tapos malalaman ko lang na hindi pala tatanggapin yun kung ipasa bukas. Eh hindi ko naman kasi alam na hanggang ngayong araw lang yun. Eh kung alam ko lang, eh 'di sana dinala ko na kaninang umaga yung project ko. Nasayang pa tuloy yung pagod ko. Nakakadismaya dahil ang laking kabawasan nun sa grade ko, at isa pa ay yung oras at hirap na ginugol ko roon, parang nabalewala lang :(
Hindi ko pa nagustuhan yung ginawa ko kanina sa physics long test. Parang wala ako sa sarili ko noong sinasagutan ko yon. Ang hirap sa totoo lang, at ang masama pa noon ay halos lahat ng sagot ko ay hindi sigurado. (Ngayon, ang sigurado lang ay bagsak na ako sa long test na 'yon)...
Ah, school..parang sinisira ang buhay ko ngayon...nararamdaman ko na ang pagka-"stress" ko sa mga gawain..hay, sana matapos na itong linggong ito...
Maliban sa panahon, at mga problema sa school..isa pang nagpapalungkot sa akin ay ang pag-alis ng Math teacher namin :( Nakakaiyak. Wala tuloy akong gana kanina. Alam kong masamang magkumpara ng isang tao sa ibang tao. Pero 'di ko maiwasan gawin yun. Iba talaga ang teacher namin ngayon (kahit nakakakilala pa lang namin sa kanya) Hay, ewan ko kung bakit ganito ako. Sana bumalik na lang si Sir Belardo :(( Nakakamiss talaga ang isang tao kapag wala na siya (isang malaking kabaliktaran ng buhay..) Ngayon lang ako sobrang nalungkot o naapektuhan sa pag-alis ng isang teacher. Siguro dahil marunong siya umintindi sa mga estudyante niya, magaling siya magturo at dahil dalawang taon ko rin siyang naging teacher. Basta, lahat ng magagandang katangian ng isang teacher ay nasa kanya na....
Sana lang ngayon, matututnan kong maging matatag...at magkaroon pa ng pag-asa..
Sana nga lang dapuan ako nung pag-asa at inspirasyon.. :(